Ang Pagbago sa Kamatayan ni Rhebeka Santos.

Si Relma ay Isang babae na naligaw sa gubat, May Isang matandang Babae ang napatuloy sa kanya sa bahay nito at napag usapan nila ang tungkol sa Isang babae na walang ibang ginawa kundi ang sumunod sa lahat ng kagustuhan ng mga kalalakihan, Parehas ng araw at oras ang kaarawan ni Relma at n

 

 Si Relma ay Isang babae na naligaw sa gubat, May Isang matandang Babae ang napatuloy sa kanya sa bahay nito at napag usapan nila ang tungkol sa Isang babae na walang ibang ginawa kundi ang sumunod sa lahat ng kagustuhan ng mga kalalakihan, Parehas ng araw at oras ang kaarawan ni Relma at ng babaeng pinag uusapan nila, Sa pagsapit ng 1:04am iksaktong oras ng kapanganakan nilang dalawa ay hiniling ni Relma na baguhin ang naging masaklap na kamatayan ni Rhebeka Santos sa kamay ng mga lalake, Nagising sya sa hindi pamilyar na lugar at nang tignan ang sarili sa salamin hindi nya maiwasang mapasigaw sa takot dahil na punta sya sa katawan ni Rhebeka pumasok sa silid ang dalawang Babae Isa dito ang alalang alala na tagapag alaga nya at ang mas pinabatang version ng matandang babae na nakilala nya kahapon, Pinalabas nito ang tagapag alaga nya at kinausap sya na ang dahilan kung bakit sya nasa nakaraan ay dahil sa hiling nyang mabago ang pagkamatay ni Rhebeka at Yun na nga ang naging misyon nya sa lugar na yun.

    

    

    Sinimulan nya sa pagrerebelde sa kanyang ama at hindi pagsunod dito. Dahil Isang heneral ang kanyang ama ay naging mas mahirap ang lahat sa Pag rerebelde nya. Nang subukan syang palayasin ng kanyang ama ay hindi nya ito sinunod dahil hindi sya nakikinkig sa sino Mang lalake maging ang kanyang kuya ay wala ring nagawa sa katigasan ng ulo nya. Tanging sa kanyang ina nya lamang sya nakikinig at sumusunod. Nang may Isang americano ang dumating sa kanilang bayan ay humihingi ng tulong walang sino man ang lumalapit sa kanya at lahat ng lapitan nya ay iniiwasan sya, Pero dahil sa Modernisasyon na pinanggalingan ni Relma kayang kaya nyang mag English at tinulungan nya ang americano ng walang Pag aalinlangan dahil para ma mangha ito sa kanya. Nagdala ito ng mensahe sa heneral na ama ni Rhebeka at sya ang nag ta translate ng sinasabi nila dito. Dahil wala ang tagapag salita ng Americanong ito.

 

 

Dahil sa bagay na Yun ay nagkasundo ang mga americano at heniral na hindi na maglulunsan ng digmaan sa pagitan ng mga americano at ng bayan nila. Kaya nman kahit papaano ay natuwa ang ama nya dito. Ilang araw pa ang lumipas ng sinusubukan nyang pinuslit sa kanila para mag lakad lakad sa dilim. Sumakay sya sa Isang kalesa kung saan nakasakay din ang Isang matipuno at kagalang Galang na ginoo na sinamahan sya na maglibot Libot sa paligid. Kinabukasan Nagising sya sa Maiingay na kalampag sa kusina kung saan ang lahat ay aligaga dahil sa paghahanda para sa parating nilang bisita ang heneral ng katabing bayan at ang asawa't anak nitong si Philipe Salbasyon na syang lalakeng nakasama nya kagabi. Natuon sa pagrerebelde ni Rhebeka ang usapan at pinangaralan nya ng asawa ng heneral Pero binaliktad nya ang sitwasyon ng gumamit sya ng indirect method at gawing halimbawa ang paglalagay ng ipit sa buhok ng kababaihan. Na naging dahilan para mamulat ang Diwa ng ina ni Philipe at mapangaha ito. Nang magkalad lakad Silang dalawa ni Philipe sa Hardin ay mas naging malapit ang loob nya dito dahil nung gabing Yun ay Sinabi nya lahat ng mga bagay na nais nyang sabihin at mga hinanakit nya sa deskriminasyong natatanggap ng kababaihan sa panahon nila kaya namn na uunawaan ni Philipe ang ginagawa nyang pagrerebelde.

    

    

    

    Ang pinuno ng bayan ay binuksan ang Isang traditional na palaro sa bayan nila na wala pang sino man ang na nanalo at ito ay ang Pag akyat sa lataas na poste at pagkuha sa pulang panyo kung saan ang premyo ay Isang hiling na hindi maaaring tanggihan ng pinuno. Maraming kalalakihan ang sumubok dito ngunit walang sino man ang nakaabot sa kalahati ng poste kaya naman sinubukan nya ito Gamit ang arina na pinahid nya sa Amay at paa nya at suot ang maikli na tela ng damit na hindi kaaya Aya sa paningin ng lahat ay inakyat nya ang poste at hindi pa umabot ng kalahating oras ay nagawa na nyang kunin ang panyo pagkababa nya sa poste ay SI Philipe ang sumalubong sa kanya at binalot sya sa Isang makapal na tela. Pumunta sya sa harap ng pinuno at hiniling na pamunuan ang unang hukbong sandatahan ng bayan nila at dahil sa mga salita nya ay wala syang nagawa kundi tuparin ang hiling ni Rhebeka.

 


REMELEN VALENCIA

1 Blog posts

Comments
Joel De Vera 1 w

WOWWOW NICE ARTICLE

 
 
YENJA 3 w

😐